(salaysay ng caregiver sa Pusa)
Dear Diary,
Alas dose pa lang, umalis na ako sa aming apartment. Sa labas na ako kakain. Sa Chinatown. May murang to go doon. Magpapaputol din ako ng buhok sa beauty parlor.
Pagkatapos kong kumain sa isang Chinese restaurant ng chowmien over rice, tumuloy ako sa isang beauty parlor na mga Intsik din ang mga naggugupit.
Pinaupo ako ng isang lalaki na palagay ko hindi naman siya malambot ang balakang.
Hindi siya ang tipong magsasabi saiyo ng "This is San Francisco honey, you're not my type".
Sinumulan niyang putulin...
ang buhok ko na hindi man lang ako tinanong kung gaano kaikli o gaano kahaba ang puputulin. Pipi ba siya?
Sabi ko, wait a moment, aren't you gonna wet my hair?
Hindi rin siya sumagot. Ano siya bingi rin?
Tuloy ang pagputol niya sa buhok ko hanggang tumayo ako at lumabas ang aking pagkamaton.
"Wait a minute, but i am talking to you."
Takot niya. Bigla siyang about face at nawala sa likod ng kurtina.
Lumapit kaagad ang may-ari ng beauty parlor at nilapitan ako.
Humingi siya ng apology at siya na lang daw ang magtutuloy ng pagtrim ng buhok ko.
Hmmm amoy ko, hindi siya marunong mag English kaya hindi siya sumasagot.
Ayaw ko ang aking gagong gupit. Mukha akong gaga. Siningil ako ng naggupit sa akin.
Akk, hindi ko binibili ang kaniyang gunting at suklay. Mukha ba akong madaling lokohin?
Sabi niya may shampoo raw at blow dry.
Naglolokohan yata kami. Nakita niyang mas tuyo pa sa tuyong isda ang aking buhok, sisingilin niya ako ng shampoo. Leksiyon, tingnan ang bill na ibinibigay saiyo. Baka pati ang pangmeryenda nila nakasama doon. Lalong pumangit ang buhok. Tumayo sa galit. Hitsura ng Bride ni Frankenstein.
Maaga pa kaya dumaan ako sa isang thrift shop. Hmmm, maraming pocket book. Mura pa. Makabili nga para mabasa habang nagbabantay sa pasyente. Dumaan ako sa lingerie section.
Arghhh pati ba naman used na panties mabibili doon ? Ngee
Hinihintay ako ni Marcia sa labas ng apartment unit. Alas singko raw dapat ay handa na para sa dinner ang mag-asawa. Binibihisan ag matandang lalaki. Dahil mayroon na itong long sleeve shirt, kailangan na lang ay ang butterfly neck tie at ang dinner jacket. Uhhm. nakikinig ako.
Tinuruan niya ako kung paano gumawa ng butterfly necktie. Babala, kailangan gawin kong malakas dahil pagnainis ang matanda, nanapok. ARayyyy.
Mga 6:30 raw bumabalik ang mag-asawa. Nanonood ng news sa TV at pagkatapos ay ang kung
ano pang programa ang mapapanood sa cable.
Mula alas singko hanggang alas 6:30, libre ako dahil hindi pinapayagan ang mga narses/caregiver sa loob ng dining room.
Alas 8:00 oras na para ihanda siya sa pagtulog kagaya ng pagtoothbrush niya, pagpunta sa bathroom at pagpalit ng pajamas.
Kung minsan ang asawa ay lumalabas sa gabi o kaya ay pumupunta na siya sa kaniyang kuwarto kaya naiiwan ang caregiver sa pasyente.
Alas nuwebe, ang dating ng karelyibo. Siya naman ang magbabantay hanggang alas 7:00 ng umaga.
Turo sa akin ni Marcia na lagi akong handa oras na gumalaw ang kaniyang kamay. Ulkkk.
Pasok ako. Pinakilala ako ng asawa na siyang mag-aalaga (hindi sinasabing mag-aalaga)makakasama. Dapat huwag iparamdam na siya ay wala nang kapabilidad na
gawin ang mga dati niyang ginagawa.
Tawagin natin siyang Mr. M. Dati siyang executive director ng isang kumpaniya ng gamot.
Nalibot na niya ang buong mundo.
Ipinakita sa akin ni Marcia kung nasaan ang kaniyang mga gamit. Ang mga mamahaling pantalon. Ang mga dressshirt. Ang mga jackets at mga sapatos. Mayroon din siyang lalagyan ng
briefs, panyo, ties na iba't ibang kulay at mga pajamas. At mga tuwalya. Kamamahal. Mga tatak ay Neiman o kaya ay Bloomingdale. Walang Walmart at Target.
Oras na para ihanda siya sa dinner.
Turo sa amin. Kailangang makipag-usap sa pasyente at sabihin kung ano ang gagawin sa kaniya. Hindi yong hahablutin lang siya o biglang papatayuin.
"Mr. M. it's time to get ready for your dinner."
Pinungayan niya ako ng mata. Hmm masama akala yata nito ay iniimbita ko siya ng dinner date.
"Mr. M. You need to get up so you can put on your jacket. You got a nice tie (sus para akong sipsip) here. Sabay lagay sa kaniyang leeg. Ang anak ng patteng, nakalimutan ko kung saang direksiyon ko itatali, kaliwa o kanan. Bakit naman kasi hindi na lang yong may garter baga na ipapasok mo lang sa leeg, hilain ng kaunti, ayos na parang waiter o bagong gradweyt.
Nakita kong "agitated" na siya. Buti na lang dumating si Mrs. M. Nakahanda na siya. Para bang aattend palagi ng ball. Itong mayayamang talagang ito. Kakain na lang ng hapunan, nagpapaganda pa.
"Let me help you." At kinuha niya sa akin ang tie.Haaay. saved by the bell.
Sunod ang jacket.
"Mr. M., your left arm please." Pasok naman yong kaniyang kamay sa kaliwa.
Then your right arm. Pasok ang kanang kamay. Masunuring bata.
Kinawit ni Mrs. M ang kaniyang braso at nagpaalam.
Bago sila tuluyang umalis para pumunta sa malaking dining room sa ibaba, lumingon ang matandang lalaki at nagwika.
"What about you? Aren't you going to take your dinner. You might get hungry."
He talked. Sa isip ko, marunong pala siyang magsalita. At concerned pa siya sa akin. Gusto kong maluha. Sa likod ng kanilang pagkakasakit, sa mabuting tao, lumalabas pa rin ang kanilang kabutihan. Mamahalin ko ang taong ito. Nasaan ba ang toilet paper?
http://cathcath.com/?p=1396
http://cathcath.com/?p=1380
http://cathcath.com/?p=1377
http://cathcath.com/?p=1372
Thursday, August 04, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment