Friday, August 19, 2005
Diary ng Caregiver Part 7
Dear Diary,
Ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Naalala ko yong balita sa diyaryo na isang caregiver ang naidemanda dahil napabayaan niya ang matandang lalaki sa shower.
Panay ang dasal ko kahit doon sa mga santo't santa na inalisan na ng lisensya ng pagkamartir at pagiging tagpatnubay sa mga nanawagan ng tulong.
"Mr. M, can you open the door please. I want to help you."
"I am not invalid, shy should I need your help?" boses niyang galing sa loob. Galit. Ngiiii
" Ow, I am sorry, I do not mean to offend you. Got fresh towels from the laundry. You might want them, warm and fresh-smelling."
" You do ? "
Ahaaa, lumalambot na. Pero sa boses niya ay nasa confused state siya.
"Want me to bring themt inside for you?"
" Okay."
"But the door is locked." isip, isip para mapabukas yong pinto.
"Then leave them by the door." Patay.
"They get soiled. Wanna open the door even just a tiny bit?" parang bata siyang kinakausap ko.
"Okay. but just tiny bit." sagot niya ulit.
"Promise, just tiny bit." Magtitirik ako ng kandila nito sa katedral, mabuksan lang niya ang pinto.
Maya-maya ay umawang ang pinto. Para akong ahente ng insurance na nabigyan ng pag-asang makausap ang maybahay kaya inilagay ko ang aking isang paa sa nakasiwang na pinto sa dakong ibaba para hindi niya na masara. Hindi ko inisip na baka bigla niyang isara, IPIT ang aking paa.
Sumilip siya sa siwang. Ohhhm may naamoy.......
ako. Ohmmmm may ginawa siya pero bakit nakapantalon pa siya?
"I think there should be a rescue operation by Wonder woman." sabi ko habang hawak ko pa ang tuwalya.
"You think so?". malumanay na ang kaniyang sagot.
"Would you let Wonder woman to come inside?"
"Who's wonder woman?, tanong niya, confused rin.
"Open the door and you will see her." patawarin ninyo po ako sa pagsisinungaling. Mag-ooffer ako ng 12 itlog, dasal ko.
Bumukas ang pinto. Umalingasaw ang amoy. Suot pa rin niya ang pantalon. Nahihiya siya pero inassure ko na okay lang.
Nagpabihis siya sa akin pagkatapos kong linisin siya mula paa. Para siyang bata na sumunod-sunod. Pagkatapos ko siyang mapaupo ay nilinis ko ang washroom.
Bumaligtad ang sikmura ko pero kailangang gawin ko. Trabaho.
Sampung minuto bago dumating ang aking karelyebo ay napahiga ko na siya sa kanyang kama.
Alam kong hindi na siya agitated at confused. Normal na siya. Sunud-sunuran siya sa akin.
Bago ako umalis ay sinabihan niya ako na napakabait ko raw. Ako raw ang pinakamabait.
" I am sorry for the mess. I am so embarrassed".
Sabi ko sa kaniya. Kahit ako minsan ganoon din. Muntik nang di umaabot kaya ayon naglalaba rin ako ng gabi.
Alam niyang kuwento ko lang yon pero pumikit siyang matahimik.
"Good night".
Diary of the caregiver 6
Diary of the caregiver 5
Diary of the caregiver 4
Diary of the caregiver 3
Diary of the caregiver 2
Diary of the caregiver 1
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment