Tuesday, August 16, 2005
Diary of a Caregiver Part 6
Dear Diary,
Magkahawak kamay pa ang mag-asawa nang dumating. Sa kanilang mga edad, nakakatuwang makitang may pagmamahalan sa kanila na hindi mo inaasahan sa bansang ang divorce ay napakadaling kunin.
Sabay pa silang naupo upang manood ng balita. Nakangiti sila pareho sa akin. Nagpahid tuloy ako ng aking mukha. Baka may nakikitang dumi ...
sa mukha ko na ikinatatawa nila. Pero ganoon lang pala talaga sila. Para bang siyang-siya silang magkasama. Masuwerteng mga tao, hanggang ang pag-ibig nila ay hindi pa rin nagbabago.
Makapal ang kurtina, hindi ko puwedeng ipamunas.
Lampas alas otso ng gabi ng halikan sa labi ng asawang babae ang lalaki upang pumunta na siya sa kaniyang sariling kuwarto. Sa isang hindi nasanay makakita ng mga matatandang naghahalikan sa harap ng tao, medyo nakaramdam ako ng hiya. Gusto kong matunaw. Kaya lang hindi naman ako yelo.
Oras na rin para ihanda ang matanda sa pagtulog. Kailangang dalhin na siya sa bathroom.
"Mr. __, time to sleep. Let me assist you prepare for bed."
Nagtangka siyang tumayo pero, inalalayan ko kaagad. Baka matumba, patay ako.
Inalis ko ang jacket, ang necktie at ang sinturon. Habang ginagawa ko ito ay isa-isa kong sinasabi ang aking ginagawa para alam niyang hindi ko siya inaabuso.
Ipinasok ko siya sa bathroom kung saan inihanda ko na ang kaniyang toothbrush na may toothpaste. Gusto niyang gamitin ang toilet. Kailangan daw lumabas ako.
Oo nga naman, kahit ako ayaw kong may kasama ako sa loob pag ako ay nagbabawas.
Paglabas ko ay bigla niyang isinara ang pinto. Kablam...
Asus, nasa loob siyang mag-isa. Paano na lang kung matumba siya. Patay.
Kumatok ako.
Walang sagot. Binubuksan ko ang pinto, nakalock. Ikalawang patay.
"Go away." sabi niya. Sta Clarang sumayaw ng pinong-pino. ehek.
Pagkatapos may kalabog akong narinig.
http://cathcath.com/?p=1402
http://cathcath.com/?p=1396
http://cathcath.com/?p=1380
http://cathcath.com/?p=1377
http://cathcath.com/?p=1372
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment