Saturday, July 30, 2005

Diary of the Caregiver Chapter 2

(Ang paglilimbag ko po ng kuwentong ito ay makapagbigay ng buhay sa mga dinaanan ng mga kababayan na pumasok sa isang hanapbuhay na hindi dapat ikahiya bagkus ay dapat isiping
isang marangal na trabaho-mas marangal pa sa mga pulitikong nangungurakot at ang kabuhayan ay nanggaling sa panggugulang nga kapwa).

Nurse

Dear Diary,
Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa kuwarto ng pasyente. Nandoon ang isang Pilipinang nars...


. Mabait siya. Tinanong niya ako kung matagal na ako dito USA. Sabi ko hindi pa.

Magaling na raw ang pasyente kaya ibabalik na ito sa kaniyang sariling apartment mga dalawang araw mula ngayon. Sabi niya, kung kailangan niya ang private duty nurse or caregiver, magapply daw ako.

Sabi ko, iisipin ko pa. Kasi masama ang ugali niya. Naninigaw. Puwede mong ireport sa nursing manager at i-lalog nila yon. Verbal abuse ng pasyente.

Pero kung mahaba raw ang pasensiya ko, dagdagan ko pa raw. Mga biktima ng Aleman ang karamihang pasyente roon at lahat sila ay dumanas ng kalupitan ng giyera. May mga matatanda raw doon ang nagtago ng dalawang taon sa ilalim ng lupa upang makaiwas lang sa
mga sundalo. Nakita nila kung paano pumanaw ang kanilang mga kasamahan dahil sa sakit, gutom at lungkot.

Paalis na siya nang magising ang matanda. Hinaplos niya ito sa noo at sa mahinang shhhh, natulog ulit ang matanda. Nababakas sa mukha nito ang mga pakikibaka sa malupit na mundo.

Hindi ko na siya ginising nang dumating ang oras ng aking pag-uwi. Isinulat ko sa log book ang aking ginawa para mabasa ng nursing manager sa susunod na shift.

Hindi na niya kailangan ang paliguan kaya hindi na na niya kailangan ang special caregiver na katulad ko. Yong mga Nursing assistants sa ospital na iyon ang bahala sa kaniya. Sa pagkain ng
hapunan at paglagay sa kaniyang kama sa gabi.

Sa ngayon, kailangang humingi ako ng bagong assignment sa agency para may susunod akong pasyenteng pagkakakitaan. Makuha tuloy ang aking tseke. Lingguhan ang aming pagkuha ng paycheck at mabuti ng mauna sa pila.

Lahat ng pagod at takot ko sa pag-aalalaga ay naalis nang makuha ko ang aking sahod. Eleven dollars bawa't oras habang ang mga nagtatrabaho sa mga fastfood ay kumikita ng limang dolyar lamang. Bawas ang taxes, federal at state taxes, social security at iba pa.

Sa labas ay nakangiti ang personnel manager na pinay. May hawak itong magandang alahas.
Paiyakan daw. Talagang nakakaiyan ang presyo. Pero kailangang makisama para sigurado ang assignment.


Sarap magdasal. Kunin na na sana siya...



Erase/erase/erase.

Makauwi na nga at makabili ng to-go.

Related article:

http://cathcath.com/?p=1372

No comments: