Friday, July 29, 2005

Diary of a Caregiver- ang Sindeyrela na walang sapatos

Dear mouse,
Balak ko sanang isama ito sa pinaysamerika ko, pero hihintayin ko na lang na magawaan ito ng subdomain.

Eh bakit naman kanyo gagawa ako ng diary na hindi naman sa aking karanasan ?
Kasi, muntik ng bumaha sa harap namin ng aking kausap ng ikuwento niya sa akin ang kaniyang karanasan nang bagong salta siya sa Estet at nagtrabaho siyang caregiver.

Asawa ho niya ngayon ay isang Pyuti. Propesor daw na matanda. Parang Sindeyrela ang kuwento kaya lang, they are not living happily ever after. Yon ang intrewesting, diva. Dahil meron siyang ibang minamahal. tsadasadsahan. Naisip ko, magandang kuwento. pangbreak sa mga nakakakunsuming balita ng pulitika sa bansa.

Kaya ito siya, sisimulan ko at ipinangangako ko sainyong sisikapin kong maging tunay na ....erm panatang makabayan pala yon... may update, sukdulang tawagan ko siya oras, oras para makuha ko ang buong kuwento. Ang pagsulat po ay sa akin ...ibig sabihin, ang katatawanan at ang kalungkutan...

ay aking hahabiin sa istilo kong nakakalokah. LOKAH.

Dear Diary,

Unang araw kong pag-aalaga sa isang babaeng matandang Aleman na dinala sa ospital mula sa kaniyang apartment dahil sa kaniyang pagkakadupilas sa banyo. Kailangan niyang may aalalay sa kaniya at mag-asikaso ng mga personal niyang pangangailangan.

Dear diary, mahirap ang bagong salta. Kahit marunong ako ng English, mayroon pa ring hindi ako maunawaan. Katulad ng utusan niya akong kunan siya ng PANTS sa closet ng kuwarto.
Dali-dali kong binuksan ang closet at inilabas ang nakahanger na pantalon.

Mga ache..minura niya ako nang katakot-takot. Sa Aleman. Buti na lang hindi ko naintindihan.
Bakit alam kong mura? Sa tunog at sa buka ng bunganga. Sabi niya sa akin, sa English na ang malutong na accent ng ALeman, saang sulok daw ng daigdig ako galing at hindi ko naintindihan ang salitang PANTS. Abah, eh gusto ko tuloy imbitahan si Merriam (Webster) para ipakita
sa kaniya ang meaning ng pants, pinaikling pantaloons.
( meaning an outer garment covering each leg separately and usually extending from the waist to the ankle ) From the waste to the uncle. Hah.

Ang kaniyang pants ay pantie. Grrrr. Sabagay ang pantie nga naman niya ay grandma's panties na kung ipapasuot mo kay Kris Aquino, para ka nakakitang Kris na may suot na maluwang na bloomer. (tama ba ang aking spelling?)

HOkey, hokey.

Nauuhaw daw siya. Gusto daw niya ay iced water. Kumuha raw ako ng ice sa ice box sa kitchen.

Takbo naman ako, bago siya magGerman na naman na hindi ko mawawaan. Hanap ako ng icebox. Wala.

Balik ako. Sabi ko walang icebox. Sigaw naman siya. BAKIT DAW MAWAWALA ANG ICE BOX eh maraming pagkain ang nakatago roon. Pagkaing nakatago ? Di ba icebox ang laman lang ay ice o kaya soft drinks na pinalalamig. KAINIS. Balik ulit ako sa kitchen. Tanong ko sa nars na pinay din, kung nasaan ang ice box.

Natawa siya. Tinanong niya kung ako ang private duty noong Aleman ? Sabi ko unfortunately yes.

Ow, she meant refrigerator.

Tang@#$%^& siya pala ang outdated. REfrigerator na ang tawag doon anoh.

Nakaraan ang kaniyang tanghalian ng wala siyang imik. Ubos niya ang pagkain. Baka akala niya
kakainin ko ang tira niya. HOY, hindi ako kumakain ng pagkaing kinakain niya anoh.

Ni hindi man siguro ako matitinga sa lengua. Wala pang kanin. Tseh.

Inilabas ko ang food tray doon sa hallway kung saan nakaparada ang malaking lalagyan ng mga food cart. Ala-una, ito ay babalikan para hilahin papunta sa kitchen.

Tinulungan ko siyang tumayo at ibinigay ko ang kaniyang walker. (ang walker ay pantulong para sa mga matatandang hindi makalakad mag-isa). Kailangang lagyan ko siya ng "belt"(kailangan matanong ang specific term para dito). sa kaniyang baywang kung saan pwede ko siyang gabayan paglakad. Hawak ang "belt" sa kaniyang likod, mahihila ko ito sakaling mawala ang kaniyang balanse. Hindi maaring hawakan siya sa kamay. Kapag siya ay bumagsak at hawak mo ang kamay, ay baka, kamay na lang ang hawak mo at ang katawan ay bumagsak na.NGIIIIII.

Iniupo ko siya sa toilet bowl. Leksiyon sa amin, bigyan ng privacy ang pasyente. Kaya pinikit ko ang aking mata. Parang tumalsik ang aking tainga nang sumigaw siya ng GET OUT.
May hinala ako, ditong NAZi ang Aleman na ito. Laging nakasabukot ang mukha.

Iniwanan ko siya. Buti rin at lumabas ako kung hindi, baka kumapit sa aking uniporme ang amoy ng pinalabas niya.

Pagkatapos kong i-plush ang toilet. Ginabayan ko siya pabalik sa kama. Mangani-nganing itulak ko siya para makatulog para tahimik ang aking mundo. Pero erase, erase, erase.

May treinta minutos akong lunch break. Takbo ako sa dining room. Hay salamat, may natira pang dolyar na pagkain. Sa isang dolyar, may isda o karne, gulay, sabaw, matamis at soda o fruit joys. Left-over po iyon sa menu ng mga pasyente. Hindi naman left-over galing sa tray , kung hindi sobrang niluto dahil para nga sa mga nagtatrabaho iyon sa convalescent hospital na iyon.


Itutuloy(wala ng papel).

No comments: